Canadian Remote Access for Dementia Learning Experiences - Tagalog

course-tile-header1.png

Sa kursong ito, aalamin ng mga care provider ang mga paraan para makabuluhang makakonekta at masuportahan ang isang taong may dementia at ang kanilang pamilya.


Paglalarawan ng Kurso

Sa kursong ito, limang seniors ang nagpamahagi ng kanilang karanasan ng kanilang pamumuhay nang may dementia. Ang mga care providers ay magsisiyasat ng pinagtibay ng ebidensya at nakasentro sa pagkataong mga pamamaraan upang suportahan ang mga taong namumuhay nang may dementia kasama ang kanilang mga tangapangalaga. Ang kursong ito ay maaaring matapos ng mababa sa dalawang oras at available hanggang Disyembre 2022.

Ang kursong ito ay idinisenyo para sa mga unregulated care providers (personal support workers, healthcare aides, continuing care assistants, home support workers, resident aides, home care assistants) na nagtatrabaho sa mga long term care homes, retirement living, mga bahay, at komunidad sa Canada.

Outline ng Kurso

Elijah     Kuwento ni Elijah

Nakatira si Elijah sa isang farm sa Valleyview, Alberta. Sisiyasatin mo ang mga paraan para matutunan ang natatanging kuwento ng isang tao para mas maintindihan ang kahulugan ng mga pagkilos ng isang tao.

Lilly    Kuwento ni Lily’

Nakatira si Liliy sa isang long-term care home sa Kapuskasing, northern Ontario. Sa module na ito, sisisyasatin mo ang mga paraan para hadlangan, tukuyin at tugunan ang mga situwasyong dapat agad harapin para sa mga taong namumuhay nang may dementia sa pakikipagtulungan ng care team.

Albert    Kuwento ni Albert

Nakatira si Albert sa isang nursing home sa Selkirk, Manitoba. Matututunan mo ang kahalagahan ng pagsiyasat sa bawat natatanging kuwento ng mga tao at pag-usapan ang mga diskarte para suportahan ang kanilang pang-araw-araw na mga karanasan.

Nagamo    Kuwento ni Nagamo’

Nakatira si Nagamo sa Bearskin Lake First Nation sa Kenora. Sisisyasatin mo ang mga paraan para suportahan ang paglalakbay sa katapusan ng buhay ng isang tao at pamilya.

Sophie    Kuwento ni Sophie

Nakatira si Sophie at kanyang pamilya sa Shelburne, Nova Scotia. Sisiyasatin mo ang mga pagbabago na maaaring mangyari sa paglipas ng panahon sa isang taong namumuhay nang may dementia at tutukuyin kung paano pinakamahusay na masusuportahan ng care team ang isang tao at pamilya.

Mga Detalye ng Kurso

Binuo ang kurso ng:

The Canadian Institute for Seniors Care at Conestoga College

Ang CRADLE project ay may pondong ibinigay ng Government of Canada’s Future Skills Centre

 
Halaga bawat estudyante: LIBRE

PAKITANDAAN:

Ang impormasyong ipinapakita sa kurso ay para lang sa mga layunin ng pagbibigay impormasyon at hindi dapat pumalit sa propesyonal, medikal o pampublikong pangkalusugan na payo, o iba pang payo para sa anumang partikular na isyu o paksa. Kung mayroon kang anumang mga ikinababahala tungkol sa isang partikular na kondisyon, mangyaring magpatingin sa isang kwalipikadong medikal propesyonal. Walang pananagutan ang D2L Corporation at Conestoga College para sa, at hayagang dini-disclaim ang lahat ng pananagutan para sa, mga pinsala ng anumang uri mula sa paggamit, pagsangguni, o pag-asa sa materyal ng kursong ito.


Pinapatakbo ang Site ng Brightspace

 Kung ito ang unang pagkakataon mong bisitahin ang D2L Open Courses, maaari kang magrehistro para sa kursong ito nang libre sa pamamagitan ng pagpili sa button na magrehistro sa ibaba. Sa unang pagkakataon na magrerehistro ka sa D2L Open Courses, hihilingin sa iyong mag-set up ng account at sumang-ayon sa Mga Tuntunin sa Paggamit ng Learner. Kung nakapagrehistro ka na para sa kursong ito, mangyaring mag-log in ngayon gamit ang iyong kasalukuyang mga kredensyal ng D2L Open Courses para bumalik sa mga kursong ito.

 Petsa ng Simula: Lunes, Enero 25, 2021
 Petsa ng Pagtatapos: Sabado, Disyembre 31, 2023
 Duration: 2 oras, 100% self-directed, maaring tapusin sa sariling bilis.
Halaga: LIBRE

Mula Enero 25, 2021 hanggang Disyembre 24, 2023 ang pagrerehistro.

2393 seats available.
Price: Free